Sumampa na sa 1,206 ang kabuuang bilang ng kaso ng monkeypox virus ang naitala sa Canada.
Ayon sa Public Health Agency of Canada, 30 sa mga ito ay kasalukuyang nasa pagamutan.
Bagama’t bumagal na anila ang pagtaas ng naitatalang bagong kaso ng monkeypox ay mas marami nang rehiyon sa naturang bansa ang apektado ng sakit.
Batay sa datos, 583 sa mga kaso ay naitala sa Ontario, 471 sa Quebec, 125 sa British Columbia, 19 sa Alberta; tatlo sa Saskatchewan, dalawa sa Yukon at tag-isa naman sa New Brunswick at Manitoba.