Kinumpirma ng mga Health Authority na umakyat na sa 31 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng monkeypox virus sa Spain.
Ito ay matapos madagdagan ng 24 na bagong kaso mula sa Madrid.
Ayon sa Health Authorities, mayroon pang 18 suspected cases sa Spain ang iniimbestigahan ngayon habang 15 naman dito ay mula din sa Madrid, dalawa sa Canary Islands at isa sa Indalusia.
Nabatid na nasa mahigit 100 ang kaso ng viral infection na mas karaniwang nasa kanluran at gitnang Africa at Europa.
Kabilang sa maaaring maging sintomas ng nasabing sakit ay ang lagnat, pananakit ng ulo at pagkakaroon ng pantal sa katawan.