Huhusgahan na ng D.O.J. Panel of Prosecutors ang kinakaharap na reklamong paglabag sa Government Procurement Reform Act at Monopoly and Restraint of Trade na paglabag sa Article 186 at 178 ng Revised Penal Code laban sa negosyanteng si Davidson Bangayan at iba pa.
Ito’y makaraang magdesisyon ang N.B.I. sa hearing kahapon na wala na silang planong sagutin ang inihaing kontra salaysay nina Banganyan.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Susan Villanueva, idineklara nilang submitted for resolution na ang kaso laban kina Bangayan makaraang magdesisyon ang N.B.I.
Nauna ng sinampahan ng mga nabangit na reklamo ng N.B.I. sina Bangayan at iba pa dahil sa pagkakasangkot sa rice cartel at smuggling.
Kasama naman ni Bangayan bilang respondent sa kaso ang mag-asawang sina Judilyne at David Lim, Leah Echiveria, Elizabeth Faustino, Eleanor Rodriguez at siyam na iba pa.