Umakyat na sa tatlo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Omicron Covid-19 variant sa bansa.
Batay sa ulat ng Department Of Health(DOH) nagpositibo sa omicron ang 36 na taong gulang na isang Returning Overseas Filipino mula Qatar .
Dumating sa bansa nuong November 28 ang nasabing ROF kung saan may travel history ito sa egypt.
Sa ngayon, nakasailalim na sa isang isolation facility ang nagpositibo sa Omicron.
Bukod dito, nag-home quarantine rin ang naturang pasyente at negatibo din umano ito sa Covid-19 test.