Iginiit ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na hindi pa dapat ikabahala ang naitatalang mga kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa bansa.
Ayon kay Solante, hindi pa nakababahala ang 17 kasong naitala dahil wala pa namang pagtaas ng kaso sa bansa, bagama’t sumasang-ayon ito na ang kasalukuyang tally ay maaaring isang under-estimation.
Mahirap din aniyang tantsahin kung gaano katagal ang proteksyong dala ng booster shot laban sa COVID-19.
Samantala, muli namang hinimok ng eksperto ang mga immunocompromised na magpaturok na ng pangalawang booster shot upang masiguro ang kanilang proteksyon.