Na-detect ng Department of Health (DOH) ang kaso ng Omicron subvariant na BA.4 sa bansa.
Batay sa pahayag na inilabas ng DOH, na-detect ang BA.4 sa isang Pilipino na dumating sa bansa mula sa Middle East noong may 4 at nagpositibo sa test result na isinagawa noong May 8.
Pero ayon sa kagawaran, ang nasabing indibidwal ay asymptomatic.
Samantala, itinuturing na variant of concern ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC ang naturang subvariant ng omicron.