Umakyat na sa apat ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Omicron Covid-19 variant sa bansa.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nagpositibo sa Omicron ang 38 taong gulang na babae na nagmula sa United States.
Dumating sa bansa nuong December 10 ang nasabing biyahero lulan ng Philippine Airlines pr 127.
December 15 ng mag-positive sa Covid-19 ang babae matapos makaramdam ng pangangati ng lalamunan at ubo.
Sampung araw sumailalim sa isang isolation facility ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Nakatakdang magpa-covid-19 re-test bukas, December 28, ang naturang biyahero. — sa panunulat ni Joana Luna