Nababahala ang PNP Anti-Cybercrime Group sa pagtaas ng kaso ng mga online crimes sa bansa.
Kabilang sa mga naturang krimen ay ang cyber pornography, cybersex, online illegal gambling, credit card fraud, identity theft at sextortion.
Gayunman, sinabi ni S/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, pinuno ng PNP Anti-Cybercrime Group na hindi naman sila nagpapabaya lalo’t mga kabataan ang kadalasang target ng mga sindikatong nasa likod nito.
Batay sa tala ng pulisya, papalo na sa halos 2,000 ang naitatalang kaso ng cybercrime noong isang taon kumpara sa mahigit 500 noong 2014.
By Jaymark Dagala