Lumalabas sa datos ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Online Sexual Exploitation ng mga kabataan sa bansa.
Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, noong 2017, umakyat na sa 4,872 ang bilang ng IP Addresses na may kaugnayan sa Child Sexual Exploitation sa bansa na mula lamang sa dating 2,326 noong 2014.
Makikita naman aniya sa Global Law Enforcement Case Data, na kung ikukumpara sa ibang mga bansa, mas mataas ng walong beses ang mga natatanggap na referral ng Pilipinas hinggil sa mga kasong may kaugnayan dito.
Sinabi pa ng DOJ Official, na makikita rin sa datos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na nagkaroon ng 130% increase ang Suspicious Transaction Reports (STRs) ng bansa na posibleng ilan dito ang may kinalaman sa Online Sexual Abuse o Exploitation of Children mula 2019 hanggang 2020.