Bumaba ang kaso ng pagnanakaw sa loob ng sampung buwan ng taong kasalukuyan.
Batay sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management, naitala lamang mula Enero hanggang Oktubre ng 2017 ang 13,948 robbery case.
Mababa ito ng 23.61 porsyento kumapara sa mahigit 18,000 kaso ng pagnanakaw na naitala sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos na lahat ng mga police regional offices ay nakapagtala ng mas mababang kaso ng pagnanakaw sa kanilang mga nasasakupan ngayong taon.
Ang robbery ay kabilang sa walong krimen na tinututukan ng PNP sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
—-