Bumaba ng mahigit 30 porsyento ang kaso ng theft o pagnanakaw sa buong bansa.
Ayon sa datos ng Philippine National Police- Directorate for Investigation and Detective Management o PNP-DITM, nasa 24,000 ang naitalang insidente ng pagnanakaw mula Enero hanggang Agosto.
Mas mababa anila ito ng 11,000 kumpara sa 35,000 kaso ng pagnanakaw sa kaparehong panahon noong 2016.
Gayunman, nangunguna pa rin ang pagnananakaw sa listahan ng pinakatalamak na krimen sa bansa ngayong taon na sinundan ng physical injury, robbery at rape.
(Ulat ni Jonathan Andal)