Ikinababahala ng National Union of Journalist in the Philippines o NUJP ang anito’y paglala pa ng kaso nang pagpaslang sa mga mamamahayag sa ilalim ng Duterte administration.
Kasunod ito ng pagpatay sa media man na si Dennis Wilfredo Denora ng diyaryong Trends and Times sa Panabo, Davao del Norte.
Sinabi ni NUJP National Director Nonoy Espina, si Denora ay ika-labing isang journalist na pinatay sa loob ng dalawang taong panunungkulan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Espina, ang pagtaas ng bilang ay patunay nang paglala ng media killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Posible aniyang naka apekto ang pagmumura ng pangulo sa mga kawani ng media na maaaring naging basehan ng mga pumapatay.
—-