Ipinag-utos na ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation ang pagtutok sa kaso ng labimptiong gulang na binatilyo na si Kian Loyd Delos Santos na napatay sa anti-illegal drugs operation sa Caloocan City.
Inatasan din ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na bumuo ng case build-up sa kaso ni Delos Santos.
Agosto 16 nang mapatay ng mga pulis ang grade 11 student matapos umano nitong makipagbarilan.
Nakuha pa sa CCTV camera na dalawang pulis ang kasama ng binatilyo bago ito pinatay.
Menor de edad na napatay sa anti-illegal drug operations sa Caloocan, isa umanong drug runner
Isa umanong drug runner ang disi syete anyos na si Kian Delos Santos na napatay sa anti-illegal drugs operation ng Caloocan City police sa Barangay Santa Quiteria.
Ito’y batay sa salaysay ng isang drug suspect na kinilala sa alyas Lando na iprinesenta ng Caloocan City police.
Ayon kay Lando, halos araw-araw siyang nakikipag-transaksyon kay Kian na kumukuha ng supply sa isang alyas Neneng na kasalukuyang subject ng follow-up operations.
Naaresto si Lando noong Huwebes, isang araw matapos mapatay ang binatilyo.
Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye ang Caloocan City police hinggil sa drug transactions nina Lando at Delos Santos.