Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na pananabotahe sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga ang magkakasunod na pagpatay sa mga kabataan.
Sa pagbisita ni Pangulo sa Digos City kahapon, intentional killing ang ginagawang serye ng pagpatay para masira ang Kapulisan.
Kasabay nito, iginiit ng Pangulo na hindi polisiya ng gobyerno ang pumatay nang walang laban.
Kaugnay nito ay ipinag-utos ng Pangulo kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na tutukan ang magkakasunod na kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz at ng iba pang nasawing kabataan.
Dito ay binanggit din ng Pangulo na hindi malayong kamag-anak niya ang nasawing si Arnaiz na mula rin sa Maasin, Leyte na pinagmulan naman ng kanyang ina.
Para sa human rights groups, umaabot na sa 7,000 hanggang 9,000 ang napapatay na drug suspects mula nang umupo sa kapangyarihan si Duterte noong isang taon.
Gayunman, binigyang diin ng Pambansang Pulisya na mahigit 2,000 pa lamang ang napapaslang sa police operations.
—-