Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) na walang magiging white wash sa nangyaring pamamaril sa loob ng Fort Del Pilar sa Baguio City.
Ayon kay Maj. Cherryl Tindog, masusi ang ginagawa nilang imbestigasyon sa insidente gayundin naman ang Baguio City Police Office.
Magugunitang isang sundalo ang patay habang dalawa ang nasugatan matapos mag-amok si ariman 2nd Class Christopher Lim sa kanilang barracks noong Setyembre 30.
Sumunod na binawian ng buhay si Staff Sgt. Jeoffrey Truqueza kinabukasan matapos ang pamamaril habang nitong Biyernes nasawi ang huling survivor na si Staff Sgt. Vivencio Raton.
Nabatid na dumaranas ng problema sa pag-iisip si Lim nang isakatuparan nito ang krimen sa nabanggit na petsa gamit ang isang M16 rifle.