Ipinagmalaki ng Malakaniyang ang tagumpay ng pamahalaan sa pagpapatupad ng humanitarian pause ng sandatahang lakas sa Marawi City kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr kamakalawa.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ay dahil sa may limang sibilyang nasagip bukod pa sa nakuhang labi ng isang sibilyan mula sa nasabing lugar sa loob ng walong oras.
Dahil dito, sinabi ni Abella na magpapatuloy ang clearing operations ng mga sundalo gayundin ang pagrecover sa labi ng mga sibilyan at mga biktima ng bakbakan.
Samantala, ini-ulat din ni Abella ang tumataas na bilang ng mga kasong arson o panununog ng mga terorista sa ilang lugar habang umaatras sila sa tropa ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Kaso ng panununog sa Marawi dumarami – Palasyo was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882