Nadagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na polio sa bansa.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang ika-17 kaso ng polio na naitala sa Nueva Ecija.
Ayon sa DOH, nagpositibo kasi ang isang taong gulang na batang lalaki sa polio virus o acute flaccid paralysis batay sa ulat at obserbasyon ng mga health workers sa lugar.
Kasunod nito, sinabi ng DOH na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) para sa tamang pagpapabakuna laban sa polio.