Umakyat na sa mahigit 9,000 ang mga naitatalang kaso ng rape o panggagahasa sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Center for Women’s Resources mula sa mga taong 2010 hanggang 2014.
Batay sa kanilang tala noong 2010, nakapagtala ang CWR ng 9,875 kaso ng rape sa nasabing taon.
Mas mataas ito ng 92 porsyento mula sa 5,132 kaso ng rape na naitala noong 2010.
Dahil dito, sinabi ni CWR na 7 sa 10 biktima ng karahasan ay ang mga bata o babae sa bansa na anila’y nakararanas ng panggagahasa kada 53 minuto.
By Jaymark Dagala