Nagkaroon ng misinterpretation sa probisyon ng konstitusyon pagdating sa usapin ng residency requirement.
Inihayag ito sa DWIZ ni Amado Valdez, dating Dean ng University of the East College of Law sa harap na rin ng kinukwestyong residency ni Senador Grace Poe.
Una nang inihayag ni UNA Interim President at Navotas City Representative Toby Tiangco na hindi umano kwalipikado si Poe na tumakbo bilang Pangulo o Bise Presidente sa Halalan sa 2016 dahil hindi nito naabot ang 10-year residency rule.
“Dito sa sitwasyon na ito mayroong legal question diyan na ano bang ibig sabihin ng residency diyan, is it domicile, is it permanent residence or is it temporary residence?” Ani Valdez.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit