Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta na mayroong naitalang isang kaso ng sexual abuse sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa Russia.
Sinabi ni Sorreta na employer ng OFW ang suspek sa kaso.
Bagamat may isang kaso ng sexual abuse, ibinida ni Sorreta na walang naitatalang pang-aabuso sa mga OFW sa Russia sa nakalipas na apat na taon at walang nairereport sa embahada na may binubuhusan ng mainit na tubig o may ikinukulong o may pinaplantsang OFW sa Russia.
Maayos aniya ang pagtrato ng mga employer sa mga OFW.
Inihayag ni Sorreta na mayroong mga kaso ng mga OFW na sila sila mismo ang nag-aaway at nagkakasakitan