Patuloy ang pagdami ng kaso sa bansa ng South African variant ng coronavirus.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III kung saan na nasa 1,075 na ang kaso ng B.1.351 variant sa bansa.
Sinabi ni Duque na sumunod na pinakamaraming naitalang variant ng coronavirus sa bansa ang Hong Kong lineage o B.1.1.62 sa nasa 1,054 na kaso o halos 18% ng kabuuang samples tested at ikatlo naman ang UK variant o B.1.1.7 na may 948 cases o mahigit 16% ng kabuuang samples na na test.
Dahil dito, patuloy ang mahigpit na paalala ng DOH sa publiko na mahigpit na sundin ang health protocols.