Nangangamba ang World Health Organization (WHO) sa pagtaas muli ng kaso ng Tuberculosis (TB) na itinuturing na ikalawang deadliest infectious disease sa buong mundo.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, hindi natututukan ang TB dahil sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, sinabi ng WHO Chief na dapat kumilos ang bawat bansa para mapigil ang paglobo ng kaso ng TB na sakit ngayon ng mahigit 4-M tao sa buong mundo.
Nasa halos 3-M pa aniya ang hindi officially diagnosed at naideklara nang mayruong TB mula pa nuong 2019