Bumaba na ang kaso ng tigdas ayon sa Department of Health (DOH).
Gayuman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa babawiin ang deklarasyon ng measles outbreak sa apat (4) na rehiyon sa bansa.
May nakikita pa ring mga kaso ng tigdas kaya’t maaaring sabihing tapos na ang outbreak locally ngunit hindi pa maaaring ideklara bilang pangmalawakan.
Under control na aniya ang kaso ng tigdas sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, Central at Western Visayas.
Babawiin lamang umano ng DOH ang deklarasyon ng outbreak kung 95% na ang immunization rate para sa lahat ng vaccine preventable diseases.