Pumapalo na sa halos 40,000 kaso ng tigdas ang naitatala ng Department of Health (DOH).
Pinakahuling naitala ang 175 kaso sa loob lamang ng isang linggo o mula July 7 hanggang 13.
Sa kabuuang kaso ng tigdas, 533 ang nasawi, limang beses na mas mataas kumpara sa bilang ng mga nasawi noong 2018.
Pinakamataas na kaso ng tigdas ay naitala sa Calabarzon na may mahigit 7,000 kaso, National Capital Region (NCR) na may halos 7,000 kaso at Central Luzon na nakapagtala ng mahigit 6,000 kaso.
Una nang tinukoy ng World Health Organization (WHO) sa measles rubella update nito ang Pilipinas bilang ikatlo sa mga bansa sa mundo na nakapagtala ng major outbreaks ng tigdas.