Pumalo na sa mahigit 30,000 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa sa unang bahagi ng 2019.
Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH) kung saan sumampa na sa kabuuang 31,056 ang naitalang kaso ng tigda mula Enero hanggang Abril 13 ng kasalukuyang taon.
Mas mataas anila ito ng 6,641 kaso na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Samantala, pumalo naman sa 415 ang mga nasawi dahil sa tigdas ngayong taon na mas mataas ng 50 kumpara noong nakaraang taon.
Naitala naman sa National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang na kaso ng tigdas na umabot sa 6, 075 kabilang na ang nasa 106 na nasawi.