Patuloy pa rin ang pagtaas sa bilang ng mga nakakasakit ng tigdas sa bansa.
Ito ay matapos na makapagtala ng dalawang daan at limamput isang bagong kaso ang DOH o Department of Health sa loob lamang ng dalawang araw.
Dahil dito, sumampa na sa halos 14,000 o kabuuang 13,723 ang na-iulat ng DOH na kumpirmadong kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Pebrero 26.
Habang 215 naman ang naitalang nasawi dahil sa tigdas.
Ayon sa DOH higit na mataas ito sa mahigit 3,000 kasong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.