Lumobo sa 201% ang kaso ng measles o tigdas sa bansa ngayong taon.
Batay sa inilabas na datos ng DOH measles surveillance report, nasa 515 na kaso ng measles ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang November 5.
Ito’y mas mataas sa kabuuang bilang ngayong taon kumpara sa 171 na kasong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Nangunguna ang CALABARZON sa pinakamaraming naitalang kaso na mayroong 93 kaso.
Sinundan ito ng Central Visayas na may 67 at Metro Manila na may 64.
Isa sa nakikitang dahilan ng kagawaran ng pagtaas ng mga kaso ay ang mababang immunization rate laban sa tigdas.