Sumipa ang bilang ng kaso ng measles-rubella o tigdas sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Marso 1.
Ito ayon sa Department of Health, ay matapos maitala ang 922 cases ng nasabing sakit, na mas mataas ng 35% kumpara sa 683 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Bicol, Western Visayas, at Soccsksargen region.
Batay sa datos ng DOH, 68% o 625 mula sa kabuuang bilang ng kaso ng measles-rubella ay mula sa mga batang hindi nabakunahan ng kontra-measles.
Ang measles o tigdas ay isang nakakahawang sakit na posibleng maipasa mula sa pag-ubo at pagbahing.—sa panulat ni John Riz Calata