Lumobo pa sa tinatayang 12,700 ang tinamaan ng tigdas kabilang ang mahigit 200 namatay simula noong Enero.
Kumpara ito sa mahigit 2,700 kaso kabilang ang 25 namatay sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Department of Health, karamihan o 57% ng mga biktima ay batang edad lima pababa; 10% ay edad anim hanggang labinlima habang 15% ay edad labinlima hanggang tatlumpu.
63% naman ng mga nagkasakit ay hindi binakunahan.
Magugunitang nagdeklara ang DOH ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas at Central Visayas.