Mahigpit nang mino-monitor ng Department of Health – Central Visayas ang bayan ng Barili sa Southern Cebu, dahil sa pagtaas ng kaso ng typhoid fever.
Batay sa datos ng DOH-7, pumalo na sa 55 typhoid fever cases ang naitala sa lugar mula Mayo hanggang Hunyo 21 ngayong taon.
Para ito sa kabuuang 447 kaso ng sakit sa buong Cebu kung saan 9 ang nasawi.
Aminado naman si Dr. Mercedes Cañal, Head ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit na poor sanitation ang dahilan ng pagkalat ng sakit gaya ng paghahati sa paggamit ng kubeta.
Hindi pa naman maituturing na outbreak ang nangyari dahil makokontrol pa ito.
Ang typhoid fever ay isang bacteria infection na kumakalat sa katawan ng tao na may sintomas na lagnat at hirap na makadumi.