Patuloy pa sa pagtaas ang bilang ng kaso ng ‘violence against women’ o mga kababaihang nakararanas ng pang-aabuso sa Pilipinas.
Ito ay batay sa lumabas na datos ng National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon kay Social Welfare and Development Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, isa sa limang kababaihan na may edad na labinglima (15) hanggang 49 taong gulang ang nakararanas ng physical violence.
Giit ni Leyco, dapat magpatuloy pa ang kampanya para wakasan ang ‘violence against women’ na sinimulan noong November 25.
—-