Tumaas ang kaso ng Pertussis o Whooping Cough cases sa bansa sa unang sampung linggo ng 2024.
Ito ang iniulat ng Department of Health, kasunod ng mga naitalang 453 kaso ng nasabing sakit.
Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 23 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2023 at dalawang kaso naman noong 2022.
Ayon sa DOH, ang pertussis, na mas kilala bilang “ubong-dalahit” O “tuspirina”, ay isang “highly contagious” bacterial respiratory infection, na nagpapakita ng mga sintomas gaya ng lagnat, sipon at ubo.
Kaugnay nito, hinimok ng kagawaran ang publiko, partikular ang mga magulang, na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa naturang sakit.