Walang naitalang kaso ng nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.5 na na-detect sa bansa.
Ito ang tiniyak ng DOH sa publiko sa gitna nang pagbabantay ng pamahalaan sa posibleng pagpasok sa Pilipinas ng mas nakahahawang Covid-19 subvariants.
Ayon sa Kagawaran, mahalagang ipagpatuloy ang health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, pagpapabakuna, booster at maayos na bentilasyon upang maiwasan ang virus.
Sa kabila nito, nababahala naman ang mga eksperto sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa China, lalo na ang nakahahawang XBB.1.5 Omicron subvariant. –sa panulat ni Jenn Patrolla