Sumampa na sa 200 ang kaso ng zika sa Thailand mula ng Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Health Ministry ng Thailand, tinatayang 20 bagong kaso ng zika ang naitatala kada linggo.
Ito ang unang pagkakataon ngayong taon na kinumpirma ng Thailand ang naturang zika cases.
Ang anunsyong ito ay inilabas matapos ang panawagan ng mga health experts sa naturang bansa na maging mas transparent sa pag-uulan ng banta ng zika sa publiko.
Maliban sa Thailand, kabilang sa mga may napaulat nang kaso ng zika sa Asya ay ang mga bansang Malaysia, Singapore at Pilipinas.
By Ralph Obina