Nakapagtala na ng unang kaso ng zika virus ang Bangladesh.
Ayon kay Zahid Malik, Bangladeshi State Minister for Health, na-detect ang sakit mula sa blood sample ng isang hindi pinangalanang sexagenarian.
Nilinaw naman ng health official na ginagamot na ang naturang pasyente at bumubuti na ang lagay nito.
Sinabi pa ni Malik na noong 2013 at 2014 ay nangolekta ang Bangladesh health officials ng blood samples mula sa mga pasyenteng nadapuan ng katulad ng dengue fever.
By Jelbert Perdez