Hindi napag-usapan sa buong panahon ng state visit ni Indonesian President Joko Widodo sa Pilipinas ang kaso ng Pinay death convict na si Mary Jane Veloso.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa kabila ng pagsisikap ng pamilya ni Veloso na ipaabot kay Widodo ang kanilang apela para sa kaligtasan ni Mary Jane.
Ayon kay Abella, hindi nabanggit ang issue kay Veloso sa mga naging pag-uusap nina Pangulong Duterte at Widodo.
Bago dumating sa bansa si Widodo ay sinabi mismo ng Pangulo na hindi niya ipipilit ang issue at lalong hindi siya magdidikta hinggil sa kaso ng Pinay death convict.
Matatandaang nagtungo sa Malakanyang si Celia Veloso upang iparating ang apela nila kay President Widodo na bigyan ng clemency ang kanyang anak.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping