Ipagpapatuloy sa Pilipinas ang naging hatol ng indonesian government sa Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso.
Ito mismo kinumpirma ng Department of Justice matapos na mapauwi sa Pilipinas si Veloso mula sa Indonesia.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, masusi pang pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng executive clemency sa nasabing OFW.
Gayunman, nasa kamay na anya mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung ipagkakaloob kay Veloso ang clemency o tuluyang pagpapalaya.
Idinagdag pa ng DOJ, na life imprisonment ang isisilbi kay veloso sa nasabing piitan dahil ang tanging nawala lamang sa kanya ay yung ipinataw na death penalty sa Indonesia.
Ito rin anya ang napagkasunduan sa pagitan ng indonesia at Pilipinas.
Kaugnay nito, ordinaryong Persons Deprived Liberty ang ituturing sa nasabing ofw sa loob ng kulungan. – Sa panulat ni Kat Gonzales