Pangungunahan ng Department of Foreign Affairs sa halip na ang Department of Migrant Workers ang paghawak sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug-related case.
Ito ang nilinaw ni Migrant Workers secretary Susan Ople sa gitna ng pagbisita sa Indonesia ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ipinunto ni Ople na DFA ang mas naka-aalam ng estado ng kaso at mas mahalagang magkaroon ng isang boses para sa napaka-sensitibong issue.
Nito lamang Biyernes ay nagpadala ng liham ang mga magulang ni Veloso kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng DMW, upang hilingin na iuwi na si Mary Jane.
Gayunman, inihayag ng Kalihim na ipinasa na niya sa DFA ang naturang liham at nakipag-usap na rin siya kay Foreign Affairs secretary Enrique Manalo at kabilang sa tinalakay ang kaso ni Veloso.
Umaasa naman si Ople na bubuksan ni Secretary Manalo ang nasabing issue kay PBBM.