Tinalakay na nina Foreign Affairs secretary Enrique Manalo at Indonesian Counterpart nitong si Retno Marsudi ang kaso ni Mary Jane Veloso.
Ito ang kinumpirma ni Press secretary Trixie-Cruz Angeles matapos ang pulong nina Manalo at Marsudi sa Indonesia, kahapon.
Patuloy anyang humahanap ng solusyon ang Department of Foreign Affairs para kay Veloso, na na-convict sa kasong Drug Trafficking makaraang mahuling nagpuslit ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta, noong 2010.
Gayunman, nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pa idinedetalye ni Manalo ang nilalaman ng napag-usapan nila ng Indonesian Official.
Hindi pa rin matiyak kung binuksan o hindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasabing issue kay Indonesian President Joko Widodo nang magkaharap sila kahapon.