Ipinag – utos na ng Sandiganbayan 3rd Division ang consolidation ng graft at usurpation cases ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may kahalintulad na mga kasong nakabinbin sa 4th Division ng Anti – Graft Court laban naman sa mga dating police official kaugnay sa 2015 Mamasapano incident.
Pinagsama ang mga kaso upang makatipid sa oras para sa prosecution at defense panel makaraang katigan ni Sandiganbayan presiding justice at 3rd Division Chairperson Amparo Cabotaje – Tang ang mosyon.
Dahil dito, magkakaroon din ng joint proceedings laban kina Aquino, dating Philippine National Police (PNP) Chief, Direcor General Alan Purisima at dating PNP Special Action Force (SAF) Chief, Director Getulio Napeñas.
Si Cabotaje – Tang ay appointee ng dating Aquino habang ang chairman ng 4th Division na si Associate Justice Alex Quiroz ay appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Karaniwan na sa mga dibisyon sa Sandiganbayan na ipasa ang bagong kaso sa ibang dibisyon kung saan unang ini – akyat ang isang kahalintulad na kaso.