Hinihintay na lang ng Baguio City Police na dumating ang kapatid ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na si Dexter.
Ito’y ayon kay Police Regional Office – Cordillera Director P/ Gen. Israel Ephraim Dickson ay upang pormal nang ihain ang kasong kanilang isasampa sa mga kadeteng sangkot sa pagpatay kay Dormitorio posibleng bukas, Lunes o sa Martes
Ayon kay Dickson, maliban sa 6 na suspek, kabilang na sa kanilang sasampahan ng reklamo sa Prosecutor’s Office ng Baguio City ang Attending Physician ni Darwin sa PMA Station Hospital dahil sa kapabayaan.
Una rito, inihayag ni Baguio City Police Chief P/Col. Allen Rae Co na paglabag sa Anti-Hazing Law at Murder ang kanilang ikinasang kaso laban sa mga kadeteng mayruong direktang partisipasyon sa krimen kabilang na rito aniya ang isang dating tumayong Testigo sa kaso.
Inamin pa ni Co na may pinag-aaralan pa silang ilang mga dokumentong pagmamay-ari ni Dormitorio kaya’t mayruon pang posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga suspek sa kaso.