Posibleng mauwi rin sa plunder ang irerekomendang kaso ng Senado laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang dating miyembro ng kanyang gabinete dahil sa pagbili ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Senador Jayvee Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Health, pinaka-kuwestyonable dito ang paggamit ng tatlo at kalahating bilyong pisong ipinambili ng Dengvaxia vaccine nang hindi nagpapaalam sa Kongreso.
Napag usapan na aniya nila ito ni Senador Dick Gordon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee na nanguna sa imbestigasyon.
Sa Lunes, inaasahang ilalatag ni Gordon ang committee report na resulta ng pitong imbestigasyon na kanilang ginawa.
“Dalawa ‘yung pagkakamali dito eh, unang-una ‘yung P3.5 billion ay masyadong malaki para ituloy na walang Congressional approval at hindi maisama sa GAA, pangalawa ‘yung pinagkunan eh miscellaneous and personal benefit fund ay talagang malayong-malayo po sa pinagkagamitan nito na pambili ng Dengvaxia.” Ani Ejercito
(Ratsada Balita Interview)