Ini-akyat na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong katiwalian laban kay Davao del Sur Governor Douglas Cagas.
Kaugnay ito sa di umano’y nawawalang P16-M pork barrel funds at sa di umano’y mahigit sa P9-M kickback noong sya pa ang kinatawan ng unang distrito ng Davao del Sur noong 2007.
P160,000.00 ang inirekomendang pyansa ng Ombudsman para sa dalawang kaso ng graft, dalawang kaso ng malversation at isang kaso ng direct bribery laban kay Cagas.
By Len Aguirre