Nangangamba ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na tuluyang ma-dismiss ang mga kasong nakasampa laban sa mga crime syndicates tulad ng Dominguez Carnapping Group.
Ayon kay Boy Evangelista, miyembro ng VACC at ama ni Venzon Evangelista, ang car dealer na hinihinalang pinatay ng Dominguez Carnapping Group, may matinding mensahe na gustong ipadala ang grupong nasa likod ng pagpatay kay Bulacan RTC Judge Wilfredo Nieves.
Si Judge Nieves ang humatol kay Raymond Dominguez, isa sa mga sinasabing lider ng Dominguez Carnapping Group na di umano’y pumatay sa anak ni Evangelista.
Sinabi ni Evangelista na batay sa kanilang research, wala namang ibang high profile case na hawak o hinawakan si Nieves maliban sa Dominguez Carnap Group.
Noong 2012 aniya ay may apat na testigong napatay maliban pa sa isang complainant witness sa Malolos RTC na tinambangan rin matapos ang isang hearing sa korte.
“They are sending a very strong message na kapag gumawa ka ng isang desisyon na maco-convict sila ay meron kang paglalagyan.” Pahayag ni Dominguez.
By Len Aguirre | Ratsada Balita