Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kina Senate President Franklin Drilon,Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, at Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr., kaugnay ng kontrobesiyal na pagpapatayo ng Iloilo Convention Center.
Sa 27 pahinang desisyon ng Ombudsman, sinabi nitong walang batayan ang inihaing kaso ni Boy Mejorada dahil base lamang iyon sa website na Wikipedia.
Matatandaang inamin mismo ni Mejorada sa imbestigasyon ng senado na wala siyang ebidensya sa kaso laban sa grupo nina Drilon.
By Avee Devierte