Minaliit ng Malacañang ang mga kasong isinampa ng mga mambabatas laban sa mga government peace negotiator na nakipag-kasundo sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, hindi niya makita kung anong krimen ang nagawa ng mga negosyador dahil ginampanan lamang ng mga ito ang kanilang tungkulin na isulong ang kapakanan ng mga taga-Mindanao.
Kung susuriin aniya ang kasaysayan, mahabang panahon na ang ginugol ng mga nakalipas na administrasyon subalit bigong makabuo ng kasunduan sa mga rebeldeng Moro.
Kabilang sa mga kinasuhan ng treason o pagtataksil ni Atienza at pag-uudyok ng sedisyon ang mga opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)