Bubuo ng kaso ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa transport groups na nagsasagawa ng transport caravan.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng LTFRB, nakabantay ang mga tauhan ng kanilang ahensya katulong ang Metrpolitan Manila Development Authority o MMDA upang makapangalap ng ebidensyang magpapatibay sa kaso laban sa Piston.
Sinabi ni Lizada na bagama’t ayaw tawaging transport strike ng Piston ang ginagawa nilang caravan, kahalintulad na rin ito ng tigil pasada dahil ibang ruta ang tinahak ng kanilang mga jeepney.
“Kung wala silang inaplayang special permit definitely po they will be out of line. The MMDA enforcers pati mga LTFRB enforcers, they are on the road kukunan lang po ng mga kailangan to build up cases po.” pahayag ni Lizada
Iginiit ni Lizada na tanging ang Piston na lang ang natitirang transport group na tutol sa modernisasyon ng jeepney transportation sa bansa.
Maging ang Stop and Go anya na dating sumasama sa tigil pasada ay nalinawan na sa nais gawin ng pamahalaan para maisa-ayos ang public transportation.
“Makikita rin nila ang sincerity ng gobyerno kasi 21 government agencies all pulled together just for the public utility jeepeney (PUJ) para maitawid sila sa modernization program, never has been it done before. How can you not see the government in doing and extending all the sources para alalayan itong PUJ?. Definitely there is something wrong sa attitude.” paliwanag ni Lizada
By Len Aguirre
Kaso vs. grupong nagsasagawa ng transport caravan bubuuin ng LTFRB was last modified: May 22nd, 2017 by DWIZ 882