Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga kasong isasampa sa mga hog raisers na napatunayang nagtapon ng patay na baboy sa Marikina River.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ang ginawang pagtatapon ay isang paglabag sa clean water act at sanitation code.
Dagdag pa ng alkalde, nakikipag ugnayan na sila sa Department of Agriculture (DA) at sa Rizal Provincial Government bilang bahagi ng inter-local government unit courtesy.
Mayroon na silang hawak na impormasyon hinggil dito at hinihintay na lamang nila ang beripikasyon ng DA at lalawigan ng Rizal.
Ang hinihintay po namin ay matukoy po nila , ma verify po nila yong information na yon at yung information na makukuha po namin sa Department of Agriculture at doon sa mga LGU po ng Rizal ay yoon po ang gagamitin po na impormasyon for the filing of the phase. — ani Mayor Marcelino sa panayam ng Ratsada Balita