Inihahanda na ng Flower for Lolas Campaign ang kaso laban sa sculptor dahil sa pagkawala ng bronze statue na simbolo ng pagkilala sa mga comfort women noong panahon ng Hapon.
Ayon kay Teresita Ang See, co-founder ng grupo, binayaran nila si Jonas Roces para sa paglipat ng bronze statue na tinanggal sa Baywalk papunta sa Baclaran Church.
Gayunman, bigla na lamang anyang sinabihan sila ni Roces na nawawala sa kanyang pangangalaga ang estatwa at kalaunan ay hindi na rin nila ito makontak.
Tiyaka ang husay-husay ng pag-uusap namin, sabi niya, una, meron daw nagpapa-hold sa kanya, tinatanong naming sino. Kung sinu-sino ang unang sinasabi niya, ‘di sabi ko sige kung Manila, ‘di tawagan ko ngayon din si Mayor Isko Moreno, sabi ko. Hindi rin DPWH. Tapos sabi niya, mataas na opisyal daw sa Malakanyang, ‘di tinanong naming ang Malakanyang, ang feedback sa amin, wala rin silang kinalaman tungkol doon, so misteryo nga. Kaya sabi ko nga, kung mapagpayuhan si Jonas Roces, takot siya sa sarili niyang anino, at mga anino na sinasabi niya na nagte-threatened sa kanya,” ani Teresita Ang See.
(Imee Solusyon Interview)