Tuloy pa rin ang kaso laban kay resigned Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa kabila ng paghingi nito ng sorry.
Ito ang sinabi sa programang Ratsada ni Atty. Lorna Kapunan, ang abogado ng mga grupong nagsampa ng kaso laban kay Tolentino.
Ayon kay Kapunan, hindi ibig sabihin nag-resign na si Tolentino ay wala na siyang kasalanan at pananagutan.
Sinabi pa ni Kapunan na may iba pang inireklamo na hindi pinangalanan at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng LP at ng Department of Interior and Local Government (DILG) para matukoy ang iba pang posibleng dapat panagutin sa insidente.
“Itutuloy po natin ang prosecution diyan kasi hindi ibig sabihin na porke nag-resign na ay wala na siyang sala.” Pahayag ni Kapunan.
Matatandaang ipinagharap ng reklamo sa Office of the Ombudsman si dating MMDA Chairman Francis Tolentino kaugnay sa kontrobersyal na ‘dancing playgirls’ sa event ng Liberal Party na idinaos sa Laguna.
Resigned
Nagbitiw na bilang Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Francis Tolentino bunsod ng sunud-sunod na kontrobersya gaya ng lumalalang traffic at ang malaswang performance ng grupong “The Playgirls.”
Una ng naghain ng pinagsama-samang complaint ang ilang grupo laban kay Tolentino sa Office of the Ombudsman dahil umano sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at magna carta of women.
Pinatanggal din ni Tolentino ang kanyang pangalan sa mga posibleng maging senatorial candidate ng Liberal Party sa 2016 elections.
Gayunman, nilinaw ng nagbitiw na opisyal na tatakbo pa rin siya sa pagka-senador.
Una ng humingi ng kapatawaran si Tolentino sa mga nasaktang grupo ng kababaihan maging kay LP standard bearer Mar Roxas bunsod ng insidente sa Santa Cruz, Laguna.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita | Drew Nacino